Kung ang Kahapon ay Bukas ito ay tumatalakay sa dalawang uri
ng pamilya na pinagkaisa ng isang karakter. Ang istoryang ito ay
magbibigay daan para pukawin ang ating isipan sa nakalimutang
pagmamahal sa ating mga magulang, Tumatalakay din ito sa estado ng
pamumuhay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng mga bilihin, bayarin
sikreto, kapangyarihan, kayamanan, mga nasa taas at sa baba at
paniniwala ng isang pamilya na taglay sa ngayon.
Dahil mas lalong tumitibay ang pagsasama ng isang pamilya kung lahat
ay sama-sama. Kasabay na din dito ang pundasyon na pagkakaisa at
pagkamit ng ating tagumpay tungo sa hinaharap at sa ating buhay.
Kaya sa librong ito makikita at maihahalintulad natin sa totoong estado
ng ating pamilya tungo sa pagkakabuklod, pagtutulungan at pagkakaisa
tungo sa maginhawang pamumuhay. Nagiging mas minamahal pa natin
ang ating sarili sa pagtupad ng tungkulin bilang mga anak, at sa ating
minamahal na mga magulang, Kaya simula ng magpatawad at kilalanin
ang isa't - isa bilang isang mabuting mga anak sa pagtupad ng ating
tungkulin at yun ay mahalin at respetuhin ang ating mga ina at ama.
Kaya basahin na ang Kung Ang Kahapon Ay Bukas na maihahalintulad
natin sa estado ng ating pamilya na layong magbigay ng inspirasyon
at pag-asa sa ating mga sarili, hangad ng kwento na ito na mas lalo
pa nating maintindihan ang salitang pagmamahal na unang binigkas
ng ating mga magulang, kaya samahan at suportahan niyo ako at ang
literaturang Filipino para sa lahat at para sa ating bayan.