"SA HULING PAGKAKATAON, SA HULING SANDALI, SA HULING YUGTO NG
KUWENTO NG BUHAY, PIGHATI AT PAGHIHIRAP ANG HATID, SIMULA NANG
MAWALA ANG LAHAT. SA HULI RIN ANG PAGSISI. KUNG SAAN ANG ORAS NA
NAPAGTANTO AT ALAM NA ANG KATOTOHANAN, HULI NARIN PALA PARA
MARAMDAMAN. MARAMDAMAN ANG PAGMAMAHALANG WALANG HANGGAN"
Sa buhay ng tao, maraming pagsubok, maraming problema. Ngunit malalampasan mo ito
kapag ikaw ay may tiwala sa sarili at pananalig sa Kanya. Sa gulong ng buhay, ikot ng ikot,
paulit-ulit nalang, pero patuloy paring nabubuhay, nagmamahal at minamahal.may mga beses na
may mga bagay, ala-ala o ano pa man ang dapat kalimutan, dapat burihin sa ating isian. Dahil
nasasaktan ka sa tuwing naalala mo, o nakakaramdam ka ng galit at konsensya sa buhay mo.
May pinagtagpo ng tadhana, may pinaghiwalay, ngunit may mga ala-alang hindi mabubura habangbuhay. Nakaraang dapat balikan at dapat alalahanin, at dapat pahalagahan
hangga't nasa isipan.
"Sa huling sandali ng buhay ko
Kapiling ko siya
Sa huling sandali
Nahawakan ko siya
Sa huling sandali
Nasilayan ko ang mga ngiti niya
At sa huling sandali,
Lilisanin namin ang mundo nang payapa at magkasama patungo sa kabilang buhay
At sa susunod na buhay, mananatiling siya at ako,
Hanggang sa huling sandali ng buhay ko."
Ang tunay na pagibig ay hindi maglalaho ngunit kong ito'y kasinungalingan. At sa ngalan
ng pag-ibig, kayang gawin ang lahat, kahit anuman.
Pag-iibigang sinubok ng kapalaran, hinadlangan ng tadhana, ngunit patuloy na ipaglalaban, kahit sa huling sandali ng pagmamahalan.
Mula sa inspirasyon ng awiting "Huling Sandali" ng bandang December Avenue, kuwentong
puno ng pag-ibig, pagpapalaya, pagpapahalaga at pagsasakripisyo para sa pamilya, kaibigan, at para sa
minamahal. At pag-iibigang ipinaglalaban, hanggang kamatayan.
"Love can Sacrifice Everything, True Love Never Fades, Unless It Was A Lie"
Huling Sandali