Marcelino D Catahan

Marcelino D CatahanSi Marcelino D. Catahan (Lino) ay isang tao na may "sariling-kayod" sa pagdulang ng karunungan at kaunlaran sa buhay. Siya ay pang-apat sa labing-isang anak (9x babae at 2x lalaki) ng isang magsasaka sa nayon ng Sumacab, Cabanatuan, Nueva Ecija. Sinuortahan ni Lino ang kanyang sarili-mula sa high school, kolehiyo, at hanggang sa matapos ang "post graduate studies."Si Lino ay isang iskolar mula sa high school hanggang kolehiyo. Nakatapos siya ng titulong "Bachelor of Science in Industrial Education" (BSIE) sa Technological Institute of the Philippines (TIP), Manila noong 1965. At habang nagtatrabaho, bilang OFW, sa ibang bansa, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral. Natapos niya ang titulong "Master of Education (M.Ed) noong May 1992. At noong November 1992, iginawad sa kanya ang titulong "Doctor of Philosophy" (Ph.D-Educational Administration) ng Pacific Western University, LA, CA, USA-sa edad na limampu at apat na taon.Si Lino ay nagturo sa Manila Public Secondary Schools (1966-1974). Noong 1975-1980, siya ay naging mechanical instructor/training coordinator sa "Plant & Transport Authority" sa Papua New Guinea (PNG). Ang pagnanasa niyang makaipon ng pera ay dahilan sa dalawang "special sons" (si Vince na autistic, at si Mao na schizophrenic). Kailangan niya ng malaking halaga para maipagamot ang dalawang anak. Noon 1980, idinala niya ang buong pamilya (asawa at anim na anak) sa California, USA. Ipinagamot niya ang dalawang anak sa Stanford Medical Hospital sa Palo Alto, CA. Subalit ang bisa ng agham ay mayroong ding limitasyon. Ang sakit ng dalawang anak ay hindi rin napagaling. Noong July 1981, pinabalik niya ang pamilya sa Manila at siya ay nagtrabaho sa Leyland Motors ng Sydney, Australia bilang isang quality controller. Umuwi siya sa Pilipinas matapos ang limang buwan. Hindi niya masikmura ang diskriminasyon na naranasan.Noong 1982-1984, si Lino ay naging supervisor/instructor sa "Cooperative for American Relief Everywhere" (CARE-Somalia). Mahigit na 12 taon siyang nagtrabaho sa iba't ibang bansa sa kontinente ng Africa. Siya ay naging technical consultant sa ILO-Malawi (1986-1988); at, curricula/in-service training adviser/assistant training director sa "Vocational Training Center Namibia" (VTCN) noong 1989-1992.Noong 1993-1994, kinuha si Lino ng UNICEF-Somalia bilang education consultant. Sa loob ng isang taon, muli niyang binuksan ang Primary Education System ng Somalia na nahinto nang mahigit 10-taon dahilan sa giyera-sibil. Dahil delikado at giyera pa noon sa Sumalia, minarapat niya na lumipat sa UNICEF-Mozambique bilang education consultant noong 1994. Sa tiyempong ito, naglason ang "schizophrenic son" niya (si Mao), kaya't napilitan siyang umuwi sa Pilipinas. Aniya: "Gusto Kong Maging Ama!"Mahigit na tatlong taon ang itinuon ni Lino sa pagpapagamot kay Mao sa iba't ibang ospital sa National Capital Region. Noong 1997, bumalik siya sa pagtuturo, bilang social science professor ng AMA Computer University, Sta. Mesa, Manila at DLSU-College of St. Benilde, Taft Avenue, Manila. Nag-retiro siya sa pagtuturo noong 2004.Ang matagumpay na pagbubukas ni Lino sa Primary Education System ng Somalia ay isang "exemplary achievement" na itinuring ng TIP. Binigyan siya ng "Award of Distinction" bilang isa sa "20-Most Outstanding Alumni" noong "50th Anniversary Celebration," February 11, 2012. Read More Read Less

2 results found
List viewGrid view
Sort By:
1.
Gusto Kong Maging Ama6 % NR
Publisher: Workbook Press
No Review Yet
₹1,518
₹1,427
Binding:
Paperback
Release:
20 Mar 2024
Language:
Tagalog
International Edition
Ships within 14-16 Days Explain..
Free Shipping in India and low cost Worldwide.
No more records found