Luzvindminda L OnaBago magretiro sa Department of Education (DepEd- NCR) si Dr. Luzviminda L. Ona, siya ang tumayong Assistant Chief ng Elementary Education Division. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Unibersidad ng Manuel L. Quezon, Mania. Napabilang siya sa Ten Outstanding Students, College of Education, at natamo ang karangalang magna cum laude. Pinarangalan siya bilang Outstanding Citizen ng samahang Pandacan Civic Circle. Nagtamo siya ng Doctor of Education (Education Management) sa National University at sumulat ng dissertation paper, na pinamagatang Pre-assessment Tool for Five-Year-Old Preschool Entrants via Play, na naging isang instrumentong magagamit ng mga guro sa pagsukat ng kahandaan at kakayahan ng mga bata. Naging malawak ang kaniyang karanasan bilang Panrehiyong Tagamasid sa Kindergarten, Hekasi (Araling Panlipunan), at Edukasyon sa Pagpapakatao na kung saan pinamumunuan niya ang pagbuo ng Integrated Core Curriculum sa kinder, ng Taunang Pagsusulit at Formative Test sa bawat kasanayang nakapaloob sa Hekasi curriculum, at ng iba't ibang estratehiya sa pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao. Napili siya bilang DepEd Field Writer sa paghahanda ng National Kindergarten Curriculum Guide K-12 at Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide K-12. Read More Read Less
An OTP has been sent to your Registered Email Id:
Resend Verification Code